1.) Isa din ako sa mga tao na nag hihintay na may mahalin at mag mahal. Hindi lahat ng taken masaya, minsan napilitan lang sila. 3 August 2011
Umamin ka na ba sa crush mo ?

Mahirap umamin sa crush mo, lalo na kung siya mismo ang nag tanong kung sino nga ba ang crush mo. Kahit ako mismo, tinanong ng crush ko at hindi ako umamin nung umpisa. Nag tampo siya dahil akala niya hindi ko siya pinag kakatiwalaan dahil hindi ko nga sakanya sinabi kung sino. Pero isa lang ang solusyon, umamin ka na sa kanya dahil hindi mo naman ikamamatay ito. Kung kaibigan mo siya eh wala namang masama dahil crush lang naman, sa tagalog nga Hinahangaan mo lang siya. Kahit ako mismo umamin sa crush ko, third year college ako at  ganun din siya. Classmate ko siya nung first year pero hindi na ulit kami naging mag kaklase. Pero crush ko siya mula noon pa, nung summer nag aminan kami pero nung second year hindi na ulit naging kami kaya nga nag ka sarili na kaming lovelife, nag ka girlfriend ako bale siya ang una kong girlfriend siya naman nag ka boyfriend. Pero nag break na din sila, kaya ngayon nag lakas loob na akong umamin dahil ayoko ng palagpasin pa ang pag kakataon <3

31 July 2011
Mahirap magmahal ng patago, baka mahalin ka rin nya ng patago. Kung ganon din lang, wag na kayo magmahalan! Magtaguan na lang kayo! 31 July 2011
Ano kaya magandang trabaho ?

Alam ko na masyado pang maaga para isipin ang bagay nato pero gusto ko rin naman minsan mag isip nang magagandang bagay. Dahil alam natin na hindi habang buhay na bibigyan tayo ng allowance ng nanay natin at ihahatid sa iskwelahan ng tatay natin. Kaya minsan ay napag isip-isip narin tayong mga estyudante kung ano nga ba ang magandang trabaho balang araw na pwede mong ikabuhay at ng iyong pamilya ?

Sabihin nalang natin na gusto mong maging isang nurse, pero sabi ng iba ay masyado na daw madaming kumuha nito at nag plano na na tanggalin ito sabi ng pamahalaan natin. Pero maganda rin kasi na maging isang nurse dahil pwede ka mag abroad at mag ka sweldo ng libo libong pera, pero ang masaklap ay malalayo ka sa pamilya mo. Pangalawa, gusto kong maging chef. Akala ng iba ay ganun lang kadali ang maging chef, tulad sa T.V na luto lang at may prize. Pero iba sa totoong buhay, hindi lahat ay pinapalad na maka pasok sa isang magandang kompanya para maka ipon ng puhunan para maka pag pundar ng sariling negosyo na magiging sikat at tatatak sa atin.

Pero ang sinasabi ko lang naman ay minsan dapar rin tayo mag plano para sa hinaharap, hindi yung nag aaksaya lamang tayo ng oras sa mga walang kwentang bagay na walang mabuting maidudulot. Kaya kahit bata ka palang ay simulan mo ng mag isip ng kung anong trabaho ang gusto mo para sa ganon ay madali ka nalang maka pag desisyon balang araw kung ano nga ba ang dapat mong trabaho.

31 July 2011
Kung nasaktan ka, nag mamahal ka ng tunay.

Madalas natin maramdaman yan pag nag mahal na tayo ng isang tao, yung taong mahal mo talaga na gusto mo pakasalan. Nasasaktan tayo pag may kasama siyang iba o kaya naman pag hindi niya maramdaman kung anu ang tunay mong nararamdaman sa kanya. Pero sana wag naman tayo masaktan ng lubusan dahil hindi pa naman matatapos ang lahat don, kung hindi talaga kayo para sa isa’t-isa ay tanggapin mo nalang ang realidad na may iba pang itinadhana para sayo. Lagi din natin alalahanin ang sinabi ni Shakespeare na ” Feel the pain, until it hurts no more”.

31 July 2011
TURN ON,

  • Mga babaeng maayos sa sarili.

Number one turn on ko siya kasi iyan ang pinaka tinitignan ko sa lahat, kung maayos ba siya sa sarili. Hindi lang sa pang labas na anyo kungdi pati narin sa pang loob na anyo, ibig sabihin ko ay yung mga tapat o loyal sa isang lalakee. Hindi tulad ng ibang babae na may nakita lang na gwapong lalake ay laglag na agad ang panty at iiwan ka na agad. Yung mga tipo ng babae na kahit may kasalanan ka, hindi ka susumbatan pero sa halip ay iintindihan ka at titignan kung bakit mo nagawa ang bagay nayon.

31 July 2011
Kung ayaw mo palang magpaligaw, dapat hindi kana nagpakita ng motibo sa kanya. You kept your Distance dapat.

Papa Jack

31 July 2011