Perk of being a wallflower ni Stephen Chbosky. Ayos yung libro nayan, matagal na din yan sakin nung second year pa ako. Nakaka relate ako sa main character kasi oo mas matatanda yung kaibigan niya at may crush siya sa mas nakakatanda niyang kaibigan pero minahal parin niya kahit papaano. Ayoko na mag bigay ng spoiler basta available yan sa National Bookstore, hanapin niyo lang kasi ako nagandahan lang talaga sa cover kaya binili ko kahit hindi ko alam kung maganda pero worth it pala. Weird man at hindi mo maintindihan sa umpisa pero sa huli, marerealize mo na kahit isang diary lang ng isang batang hindi alam kung ano ang gagawin niya sa buhay.

31 July 2011
July 31, 2011

Nag simula nanaman akong mag tumblr. Nag deactivate nga po kasi ako eh tao rin minsan tanga talaga at nagsisisi dahil sa mga katangahan. Pero hindi ko na uulitin yung ginawa kong katangahan nayan at muling gagamit ng tumblr para mag mistulang online journal narin. Alam ko madami akong ginawa sa dating acocunt, maraming kaibigan at maraming kaaway pero ngayon sana wala na akong kaaway. Pero nang hihinayang din ako dahil halos lahat ng dream follower ko eh pina follow na ako at nawala sa isang iglap lamang. Pero ayos lang ako, go with the flow nalang talaga at nag papasalamat na nasakin na ang dati kong URL at pwede na ulit magsimula (:

31 July 2011